The Fucking Feeling

Alam mo yung pakiramdam na bigla na lang manghihina tuhod mo sa sobrang sakit? Kung tutuusin, isa lang itong maliit na parte ng buhay mo pero kaya ka niyang pilayan. At ano bang mangyayari pag napilayan ka? Hindi ka makakalakad… hindi ka makakasayaw… at hinding-hindi ka makakatakbo sa naghihintay na yakap ng iyong pinakamamahal sa kabilang dulo ng mundo.

OO.

Punyeta this. Punyeta that.

Ang sakit-sakit.

Ganito kasi yan.

Nagliligpit ako ng mga bagay-bagay dito sa kwarto dahil parang bodega na ang lugar na ito. Hindi na conducive para sa pag-aaral… at hindi mo na rin talaga siyang matatawag na “BEDROOM”. Ayos dito. Ayos doon. Labas ng kwarto. Pasok sa kwarto. Hanggang sa…

TUMAMA YUNG HINLILIIT NG PAA KO SA KANTO NG CABINET KO. TANGNA TALAGA. Grabe. Napaluhod ako sa sobrang sakit. Ibang feeling ang sakit-sakit niya. Sa sobrang sakit niya, para mas masahol pa pag-iniwanan ka ng boyfriend o girlfriend mo. HAHAHAHA. YON! Makakapaglaro nang mabuti sa Korfball bukas.

Pero totoo. Kasi dati, naganito na rin ako. Ang mas malala dun… natapyas yung kalahati ng kuko ko sa hinliliit tapos dumudugo siya nang bonggang-bongga. So takot na takot ako na baka hindi na naman ako makalakad ng maayos. 

I remember that time. Hahaha. Sobrang sama sakin ng kapalaran.

FOURTH YEAR. HIGH SCHOOL WEEK.

Kakatapos lang ng Ecobazaar nun. Edi ligpitan na. May HIPYON din nun, para siyang Dance Battle. Ganun. Kasama mga kaklase ko at kaibigan ko… so syempre. SUPPORT. Kasali ako dapat sa grupong yun kaso nag-quit ako. MEHE. Ayun. Matagal pa bago magsimula ang contest so tambay muna sa classroom. Kumokopya din ako ng assignment nun sa Physics. Haha. E maraming tirang pagkain mula sa Ecobazaar… tulad ng condensada, gatas, cereals, tinapay… at kung ano man. So para akong vulture dun sa mga gamit ng kaklase ko, kinukuha ko yung mga pagkain nila.

Hahaha. Kinuha ko yung Honey Stars nung kabilang grupo. Nakawan ang peg. Tapos nakita ko yung condensada… CHOOSY PA BA KO? E ANO NGAYON KUNG SOBRANG TAMIS? Hahaha. Edi kuha na, para-paraan na lang para makatagal. Habang binubuhos ko yung condensada, biglang pumasok yung member ng grupong iyon. SO TAKBO PAPALAYO SA CONDENSADA. At punyeta. TUMAMA ANG HINLILIIT KO SA KANTO NG PLATFORM. MALAS TALAGA KASI KAKAPALIT KO PA LANG DIN NG TSINELAS MULA SA RUBBER SHOES. THAT FUCKING FEELING.

Sobrang bilis ng karma. At ayun nga, natanggal ang kalahating kuko ko sa paa at dumugo pa siya nang bonggang-bongga. As in walang sinabi ang tissue nakabalot sa hinliliit ko dahil sa sobrang dumudugo niya. Hilong-hilo nga ako nun kasi ayoko nakakakita ng dugo. Shet na yan. Nakapaa lang ako at paika-ika habang papunta sa Benavidez Auditorium. Buti na lang tinutulungan ako ni Banying… nakakahiya nga kasi kasama niya ang kanyang special someone that time. Sobrang third wheel ko. Mehe. ANG MAS MALUPIT PA DYAN… ang tagal magsimula nung contest, so standby lang kami. Napansin ko na sa gawing kanan ko ay si Banying at ang kanyang special someone at sa gawing kaliwa ko ay si Cheen at si Roy na mag-boyfriend-girlfriend. SO SOBRANG THIRD WHEEL KO TALAGA. Adding insult to injury Parusa. Grabe. Walang tumutulong sakin habang pinipilit kong tabasin yung kuko ko para hindi na tumusok sa sugat. Punyeta. THE FUCKING FEELING.

Sorry naman.

Ako na nga ang nasugatan at nagdurugo, ako pa yung mag-isa. Sariling sikap ang peg mga dre. No wonder, nasanay na kong ganito. Hahaha.

At dahil dyan, hindi ako nakapunta ng HS Dance. Umuwi na lang ako at nag-empake para sa overnight namin sa defense. Saya-saya. Hahaha.

Kailangan din talaga natin maging independent kumbaga sa bata… hindi laging andyan si papa o si mama para saluhin ka tuwing nadadapa ka sa Patintero. Hindi rin sila laging andyan para lagyan ng agua oxinada (WALA PANG BETADINE DATI) at hipan ang sugat mong nakuha sa Langit Lupa o ICE ICE TUBIG. Oo sariling sikap. Para ngang sadista ang dating eh, habang pinapahiran mo nang gamot ang sugat mo… ikaw lang din ang naghihipan nito o kaya para mas madali… itapat sa electric fan.

Hmmmm… pero at the end of the day…. (NAKS!) Hahaha.

Naniniwala ako na lahat ng tao ay lonely beings. OO. Lonely beings. Pero kaya tayo ginawang lonely beings ay para makipag-interact tayo sa ibang tao. Ito’y nagpapatunay na hindi kaya mamuhay ng tao mag-isa. Dadating at dadating ang panahong magiging kailangan mo SIYA.

YIEEEEE! Woks. Hahaha.

 




Page 1 of 1
Design by Craig Snedeker