-
Feb
7
- View Post
Mahiwagang Lambda, Ang Paboritong Ulam ni Inday
Grabe. Medyo ang tagal ko na rin palang hindi nakapagpost. HAHAHA! Weh, parang last week lang e. Kung ikukumpara dati, hindi na nga masyado kasi ang daming ginagawa. Hindi ko nga maayos nang mabuti ang table ko dito sa kwarto. Nakakalat na lang yung mga handouts ko, yung mga libro pwede nang gawing higaan sa sobrang kalat, yung mga bagong labang damit… basta-basta na lang sinasalampak sa cabinet. Sobrang kalat talaga ng buhay ko… kahit lambda ko, hindi na nalalabhan kasi kakainin na naman ni Inday Amo.
OO!
Grabe. Marami namang de-lata dito sa bahay pero parang kumakain talaga ng lambda at medyas si Inday Amo. Hindi ko naman nawawala sa school yung lambda so dito lang talaga sa bahay. Alanganamang sinusungkit ng kapitbahay? Imposible naman ata yan, tangna… lambda lang kukunin? Hindi man lang mga maong o shirts. WAW HA.
So ayun. Gabi na ako umuuwi… thankful nga ako sa mga kaibigan kong hinihintay ako hanggang 9 ng gabi para may makasabay ako sa pag-uwi… kundi… karipas na naman ako ng takbo sa Espana pauwi. Hahaha. Hindi rin ako makapag-aral nang mabuti. EWAN.
SA GITNA NANG KABUSYHAN…
Woks naman kahit papaano. Steady? Sana. Parang nabura na ang Pebrero sa kalendaryo ni Dani dahil sa dami ng ginagawa… mas ok na siguro yun kaysa naman sa nakatunganga ka’t walang ginagawa. NAAAAAAAAAAKS!

Alam mo ba yung pakiramdam nang may sinubukan mong pumatay ng lamok? PERO.. yun nga lang hindi mo siya napisat. Hindi ko alam kung bakit pero parang butas ata kamay ko kanina. Kinakabahan nga ako e, baka bigla akong kagatin at magka-dengue pa ko. HAHAHA.
Anywaysss. Kailangan ko nang mag-aral sa bonggang-bonggang quiz namin sa English at Comm Theories sa mismong AB WEEK! Saya-saya.
