-
Jan
29
- View Post
Kung Kailan Ba Talaga
Itong maikling sanaysay na ito ay para sa mga taong nagmahal, nagmamahal at magmamahal na nasa isang kumplikadong mundo na tinatalakan ng mga tama’t mali ng lipunan.
O siya siya, pwede na rin dun sa mga taong naniniwala sa February 14. Hahaha.
Medyo seryoso to. WEH! Haha. Para totoo. Naaks.
Enjoy-enjoy na lang.

Para sa mga nakakarelate… I LOVE YOU! Haha.
Para sa mga favorite ang fried chicken, I LOVE YOU MORE BEYBEH! Hahaha.

——————————————————————————————
“Ano ba talaga kayo?”
“MU na kami.”
Anak ng-! Ano ba talaga ibig sabihin ng MU? Oo, mutual-understanding ika nga. Yun daw yung stage kung saan bago maging “kayo” mismo. So bale, parang ito ba ay practice “in a relationship”.
May tatlong meaning ang “mutual” sa diksyunaryong tinignan ko. Una, “given and received in equal amount” na ang halimbawang nakasaad ay “mutual trust”. Pangalawa, “having the same feelings for the other” na ang nakakalokang halimbawa ay “mutual enemies”. Pangatlo, “common or joint” na ang halimbawa ay “mutual friend”.
Kung papapiliin ako sa mga definition nay an ayon sa connotation na nasa isip ko, siguro ay yung pangalawa. Pero bakit “mutual enemies” pa ang halimbawang binigay sakin ni Merriam-Webster. Siguro, siguro, siguro… kailangan paghaluin yung tatlong yan. Pwede. Yung una, pantay kayo. Pantay kayo. Oh ano? Pantay kayo ng alin? Ng ginagawa para sa isa’t isa? Pag-inintay ka niya, dapat iintayin mo rin siya? Pag ginawa niya yung assignment mo, gagawin mo rin yung assignment niya? O baka naman ganito ang nilaan niyang oras para sa iyo, ganoon din ba dapat ang iyo? Pag sinundo ka niya, susunduin mo rin siya? O kunin na lang natin yung halimbawa ni Merriam-Webster na “mutual trust”. Pero bakit laging may pagdududa? Nako naman. Pangalawa, “having the same feelings for the other”. Ay eto. Paano ba ito? Paano mo malalaman na pareho kayo ng nararamdaman sa isa’t isa? Kapag sinabihan ka ba ng, “I love you”, “Mahal kita” o kahit, “Iniirog kita”.. mapaparamdam mo ba sa tao yun? Paano kung sinabi mo lang na ganun at umacting ka nang sincere pero hindi naman talaga? Kapag binigyan ka ba niya ng dose-dosenang rosas araw-araw, masasabi mo bang parehas kayo ng nararamdaman? Paano kung sabihin niyo mahal niyo ang isa’t isa pero libog lang pala talaga? Pero kung parehas kayong libido lang ang hanap, swak na yun sa definition number two. Same feelings for the other. Bakit hindi? Pangatlo, “common or joint”. Konektado? May something in common? Pwede. Paano kung yung nakatabi ko sa jeep ay hinihimas yung Kikomachine Komix? Edi we have something in common? Awww. MU na ba kami nun?
Nako naman kasi. Hindi kasi kaya ng mga salita pantayan ang mga nararamdaman sa isang tao. Kaya nga may poetry, kasi nga hindi kaya ng mga salita tumbasan ang pagmamahal, galit o kaya hinagpis ng isang tao. Kailangan may accessory o kaya arte para mas maganda, mas magarbo at mas tagos sa puso. Kaya nga may mga salita na kailangan pang lagyan ng tono para mas ramdam mo. Kaya nga may specialty paper na mabango at iba’t ibang kulay, para mas artistic ang presentation. Kaya nga may nagsusulat sa salamin ng dugo, para makonsensya ang dahilan ng pag-s-suicide. So bakit MU?
Sabi nila pag MU daw, walang commitment. Hindi ba commitment yung pag-hatid-sundo sa babaeng nililigawan mo? Hindi ba commitment yung pagsagot sa tawag ng lalaki kahit antok na antok ka na? Kasi pag hindi mo sinagot, mag-aaway kayo. Hindi ba commitment yung pag-aaway niyo sa text, tawag, chat o personal? Pwede naman kasi mag-walkout na lang basta-basta. Bakit nga ba tumatagal sa isang away? Kasi importante sayo yung tao, ayaw mo siyang mawala at committed ka sa kanya.
Kapag nagalit ka daw sa kanya kasi nalaman mong may iba pala, wala ka daw karapatang magalit, masaktan o magselos kasi MU lang daw kayo. Aba, akala ko ba isang tapak na lang kayo na? So may proseso nga? Kailangan may label? It’s Complicated. MU. In a Relationship. Kaka-break lang. Single and ready to mingle. Hindi ba pwedeng, magmahal ka na lang ng magmahal? May risk nga lang. Naniniwala ako sa kasabihang “It is better to have loved and lost than never to have loved at all.” Isang malaking chapter ng textbook ng buhay mo na pwede mong ipamahagi sa mga ignorante’t inosente sa buhay. Kung swertehin, edi masaya. Kung mamalasin, edi matuto ka. Ganoon naman talaga ang buhay. Life goes on. Kung ikaw ang nang-iwan, sabi nila ikaw ang panalo. Kung ikaw ang iniwan, sabi nila ikaw ang talo. Pero sa totoo lang ang susuko, siya ang talo.
Nag-wo-worry ka sa February 14? Wag kang mag-alala dre. Araw lang yan na binigyan ng kahulugan ng lipunan. Sa akin kasi, walang pinipiling araw ang pagmamahal dahil hindi kaya ng isang araw matumbasan ang pagdiwang at paglahad ng pag-ibig.