BEYBEH!

Woks. So hindi ganun kaganda ang first day ng Prelims.

Sana pumasa talaga ako sa Logic. Patayan na to.

PERO KAMUSTA NAMAN ANG SOCIOLOGY 101?! 

Hindi ko alam kung tama ba yung exam na kinuha ko o baka maling room ang napasukan ko.. Parang Sociology 202. HAHAHA. Weh. Pero totoo talaga. Nag-aral naman ako kahit papaano pero wala talaga. Nakakaloka talaga. Hindi na nga nagtuturo yung prof dun tapos wala pa sa handouts yung mga tanong dun. KAMUSTA NAMAN?! AS IN first time ko lang ma-encounter yung ibang mga terms don. MYGHAD. Para akong nag-diagnostic test sa High School… para akong nag-UPCAT. 

Feel ko mapapapunta na naman ako sa St. Jude neto with friends. HAHAHA!

Eto pa malupit.. Kasi diba nga may questionnaire tapos may answer sheet. 9 pages ata lahat tapos kada-page ay may footer… nakalagay dun yung buong pangalan ng prof namin… Tapos sa answer sheet biglang may nakalagay na.. “Name:_______ Section:______ Date:__________”… tapos may “Professor:___” Ayos ba? SIGURO HINDI SIYA YON. Ang ikli pa ng linya. Ano ilalagay ko dun? llinya ko na lang? Haha. O kaya “Professor: #10” HAHAHA. Pang-asar lang.

So ayun. Goodluck ulit sakin bukas.

ETAR at Phil Lit tomorrow. Sabi ng prof ko sa Lit na essay ang exam.. so paano kaya iyon? “Summarize all the 12 selections we’ve discussed this semester.” Haha. Pero parang hindi siya ganoon kahirap kasi kukwento mo lang. Baka naman isang malupit na sapak ng analysis ang itanong. Mehe. Bahala na bukas. Gawa na lang ng kwento. Haha.

Woks. Kailangan ko nang patayin tong bagay na to na magiging dahilan ng paglaho ng magandang kinabukasan ni Dani. Haha.

Timpla-timpla na ng kape para makaraos ngayon gabi…. at maging hyper. OH YEAH BEYBEH! 




Page 1 of 1
Design by Craig Snedeker