-
Jan
16
- View Post
Sa Ilalim ng Impluwensya ng “Kape”
Prelims week na ngayon sabi ng panahon pero sabi ng utak ko na “medyo” prelims week ngayon.
Nagtimpla ulit ako ng kape with Ovaltine (NAKS! OVALTINE!), creamer, sugar at cream… masarap naman siya pero inaantok na ko ngayon.
PERO BAKEEEET?!
Inaantok pa rin ako ngayon…
Ano pa lang ba naaaral ko para bukas? Fish fillet. Logic at Socio pa naman. YOOOON! Halos lahat pa naman ng quiz ko sa Logic ay bagsak… sobrang baba mga dre. SA SOBRANG BABA NASA IMPYERNO NA SIYA AT NAKAYAKAP KAY SATANAS.

So kailangan ko talagang mag-aral..
E kamusta naman ang Socio ko diba? Iisa na nga lang yung quiz tapos para lang akong nag-lotto o kaya sumagot ng survey sa para sa guidance office. HAHAHA!
Isa pa yun. Sana man lang dumali kahit konti yung exam bukas. HOW I WISH…
Pero eto talaga nakakainis ngayong gabi, hindi ako makapag-aral ng maayos. Hindi ko talaga alam kung bakit.. nakakabaliw ng sobra. Ang bilis mawala ng atensyon ko, para akong may ADHD.


Wala pa talaga akong masyadong naaaral at anong oras na… Bakit ako nag-t-tumblr ngayon imbes na nag-aaral?
Tapos nakakaloka pa yung telenovela kanina sa ABS.. yung ano ba yun.. Walang Hanggan. TAKTE NAMAN DUN SI DAWN ZULUETA! Magsasaka siya dun! Punyeta, e ang puti-puti niya tapos ang kinis-kinis. Mas mukha pa kong magsasaka don. So pagnagka-role ako sa ganun.. ano mapupunta sakin? Kalabaw?

Grabe lang talaga ha.
MOVING ON… (and letting go. WEH! Haha.)
So ayun. Kailangan ko na talagang mag-aral. Pero kasi ang epal ng ubo ko, tumutungga na nga ako ng ASCOF e, baka nga hindi na ko magising sa sobrang dami kong nainom na ASCOF. Haha. Bahala na.
MATAPOS LANG TONG WEEK NA TO. MASAYA NA KO!
PARTEH-PARTEH!