-
Jan
11
- 2 notes
- View Post
Mula sa One-Way ng Fajardo sa Two-Way ng España
Ano ba ang one-sided?
Madali lang naman siyang i-define pero.. mahirap panindigan kasi nakakabaliw, mahirap tiisin kasi nga mukha ka talagang tanga.
Bakit?
Ano meron?
Para kang nakikipag-usap sa dingding mag-isa.
Para kang bumili ng sapatos na walang kapares.
Para kang nagstapler ng isang papel.
Para kang naggupit ng kuko sa kanang kamay at nalimutan ang kaliwang kamay.
Para kang kumakain ng full meal pero kanin lang kinain mo.
Para kang bumili ng eraser, pero wala kang lapis.
Para kang naghikaw sa isang tenga lamang.
Para kang nagsuot ng wedding ring nang walang kapareha.
Para kang pumunta sa Tunnel of Love nang walang kasama.
Para kang kumuha ng litrato ng magkaholding hands mong kamay.
Para kang tumawid sa kalsadang two-way pero sa kaliwa ka lang nakatingin…
Para kang ako… ipinagsisigawan sa kabilang dulo ng highway na pwede na tayong tumawid… “Meet me half-way” ang dating at magpapatugtog ang langit ng isang kantang romantiko.. tatawa, uulan, madadapa at gugulong sa kalsada o kung ano mang kakornihan. Tapos, kailangan mo nang gumising dahil ma-l-late ka na sa klase at baka mapag-initan ka pa ng prof mo.
AYOS BA?!
Woks. Aral na para sa quiz bukas.

MEHE.