-
Jan
9
- View Post
Perya ng Buhay… BUHAY!
Ayan. Nakatulog at nahimasmasan na ako kaya siguro makkwento ko na ang life-changing experience sa isang perya sa may Macapagal. Hindi ko alam kung illegal ba yun o hindi o baka may sinusuhulan silang mga opisyal para lang makapagpatayo sila ng slaughterhouse. Haha.
Ganito kasi yan…
Debut kasi ni Alababs kagabi, dun sa may Blue Wave sa may Pasay. Medyo malapit kasi talaga siya sa MOA. Maaga-aga kasi natapos kaya siguro hindi pa talaga kami ready umalis. Pagkalabas namin sa restarurant, nakatayo lang kami tapos pinag-uusapan kung ano mangyayari. Lakad konti, tapos stop ulit. Lakad ulit, stop ulit. Hanggang makalabas na kami ng Blue Wave at nasa Petron na kami na isang napakalaking gas station sa highway. Minsan maiisip mo nga kung totoo nga bang nalulugi na yung mga gas station dahil lagi daw nagtataas ng presyo yung petrolyo sa World Market at kailangan din itaas ang petrolyo dito sa Pinas. Anyway, andon na kami sa may Petron sa harapan ng malaking highway. Sa kabilang side ng highway, may nakita kaming Ferris Wheel, Viking na nasa loob ng castle. Bale ang facade niya ay Castle.
Sabi nung isa samin.. “Ayun! Dun na lang tayo sa Boom na Boom!”
E medyo wala na kasing Boom na Boom… at tsaka parang katabi ng Boom na Boom ang Star City, so hindi siya Boom na Boom.
Edi tumawid kami sa sobrang lupit na highway papunta dun sa kung ano mang amusement park. Nung papalapit na kami ng papalapit, nakita namin na puro talahib ang dadaanan namin bago kami makapunta sa facade nilang castle. Wala pa masyadong pathway at medyo malambot ang lupa dala na rin siguro na umuulan-ulan din nung Linggo. Napansin ko rin na parang walang katao-tao. Tinignan ko yung Viking, hindi siya gumagalaw pero naka-ilaw. Tumatakbo ang Ferris Wheel na sobrang bilis na parang gulong na ng sasakyan sa NLEX, so baka nga bukas pa. Habang papalapit ng papalapit sa castle, nakita ko may mga painting ng Dora, Scooby Doo.. ganun sa gilid. E nakita ko yung itsura ni DORA, RELIABLE! Basta, ang haba ng mukha ni Dora tapos si Scooby Doo, nagmukhang askal. Yung nakalagay na pangalan dun sa castle, “GRAND CARNIVAL”.

WAW! Grand Carnival!
Naalala ko tuloy yung Fiesta Carnival dati sa may Cubao. Mehe.
Ayun. Pagkapasok namin, may tao naman pala. Kaso ang onti lang din. Parang kami-kami na lang din talaga yung tao dun. Alam mo yung literal na itsura ng perya? GANON SIYA. May binggo at may mga rides. Pero alam mong hindi ganun ka-high maintenance yung mga rides di tulad sa Star City o Enchanted.
Diretso agad sa may Viking… Dun sa may ticket booth may nakalagay na karatula..
Ticket
Children —- P 30.00
Adult ——- P 30.00

Takteng yan.. Edi sana nilagay na lang talaga nila.. TICKET: P 30.00
Nakakaloka. MAS MUKHANG RELIABLE.
Pero ang reaksyon namin nang makita namin yung presyo…
“ANG MAHAL NAMAN!!!!!!!!”
Edi ayun. Bumili na kami ng ticket. Kami-kami lang halos yung tao dun so kami-kami lang din sa Viking.
Eto na naman ako. Madali kasi talaga akong mahilo. Nung 2nd year high school ako, naalala ko dati nung nag-Star City kaming magkakaibigan, sobrang nahilo ako. INANG YAN, ang lakas pa ng loob kong mag-ride all you can Nasuka ako sa taxi tapos sinalo pa ni Shyne. HAHAHAHA! Pagkauwi ko sa bahay, akala ni Inang Marites na uminom ako. AYOS BA? Naalala ko rin na Viking ang una naming sinakyan din nun, hilo agad ako… tapos after nun, Gabi ng Lagim. AYOS BA?! Hahaha.
So ayun. Balik ulit tayo sa Perya ng Buhay.. BUHAY! Grand Carnival!
Ang lakas ng loob naming pumwesto sa dalawang dulo ng Viking. Marami-rami kasi kami so sa left and right na dalawang last row kami umupo. SOBRANG LAKAS TALAGA NG LOOB.

Umupo ako sa tabi ni Evez… tapos… ang nakakabaliw talaga dito sa pangyayaring ito.. walang seatbelt… o kaya yung pangharang para hindi ka mahulog. Ni walang hawakan sa upuan… PUNYETA.. Hahawak ka sa MISMONG upuan. Hahawak ka dun para sa buhay mo.

SAFE! RELIABLE! Ipagkakatiwala mo ang buhay mo para sa trenta pesos na ride.
PARANG nung rappelling lang nung first year high school ako.. WALANG HARNESS! So tinanong ko pa yung Manong Rappelling nun kung wala bang harness, ang sabi niya.. “Nasa kamay mo na yun.” WAW HA! Wala pa kaya akong life insurance non. Wala man lang perang mababalik sa mga magulang ko kundi ang bangkay ng anak nilang suwail at mayroong tatlong kaso sa admin. MEHE.

Going back.
Ayun nga. Dahil sa wala ngang hawakan, lalo akong kinabahan. Nung nag-go na ang Viking. Nung una, natatawa pa. Ganun. Nung tumagal, GRABE! TANGNA! Ibang level na to. WORST RIDE OF MY LIFE! E tapos biglang sumigaw si Lorraine, ayaw niya na daw. Biglang tinigil. E parang nasa verge na ng pagkakataas yung Viking… Dalawang sway lang, nakastable na siya agad. Naisip ko kung bababa na ba ko o hindi, pero sabi ni Evez.. “GORA LANG TEH!” Naisip ko rin na sayang yung trenta pesos. Sige, go parin.
Edi tinuloy na. INANG YAN. Wala pa palang sinabi yung “Verge” ko nung una. Sobrang grabeng iba na to! SOBRANG NAKAKALULA AT NAKAKATAKOT.
Parang ganito itsura namin.

HAWAK PARA SA BUHAY. Tapos ang bilis pa ng pagkakababa at pagkakataas. TAPOS… ang sakit na kung binti ko kasi yung isang binti ko naka-ipit dun sa upuan, malamang dahil para-paraan na to para mabuhay. Nung tumagal, edi sobra-sobra na yung pagkakagalaw nung boat, tumutunog na yung mga bakal-bakal. PUNYETA talaga. SAFE NA SAFE PALA KAMI DITO E! Naalala ko bigla yung kasabihang, “Pag tumutunog na yung bakal, hindi na stable.” YON!!!!!!!!

BUHAY NA BUHAY! Ang dami ko nang pinagsasabi nun.. tipong mag-aaral na talaga ako ng mabuti. Ang tagal niyang ride. INANG YAN, sulit yung trenta pesos mo. SOBRA. Sa sobrang tagal, sinasabi ni nila Emil at Lauro na.. “OVERNIGHT BA TO?” O kaya, “30 pesos! 30 days!” Medyo natatawa ako pero kasi talaga sobrang sakit na ng ulo ko.
After nung ride, para akong uminom ng dalawang red horse sa loob ng limang minuto. SOBRANG HILO TALAGA. Hindi ko kinaya. After ng Viking, may isa saming natanggalan ng takong. AT SI MADAM IYON! Happy Birthday dre! MEHE.
Tapos naisipan pa nilang mag-Ferris Wheel. 25 pesos. AYOKO NA TALAGA. Hindi talaga ako sumakay don. Natauhan na ko sa Viking. Ni hindi nga ako makalingon kasi sobrang nahihilo ako. Kailangan pag lumingon, buong katawan kasama. Edi ayun, nag-Ferris Wheel sila. Kasama ko sila Judith at Shyne sa baba. Mag-ga-Gabi ng Lagim na lang ako ng sampung beses kaysa sumakay sa Ferris Wheel na parang elesi ng electric fan ang ikot. Ang tagal din ng ride nila sa Ferris Wheel. SOBRA.
At eto ang laughtrip. Yung mga itsura nilang lahat nung makababa sila. Yung itsura ni Karlson, gulong-gulo yung buhok.. tapos lukot-lukot yung polo.. misplaced. HAHAHA! Sobra talaga.
Yung mga itsura nilang lahat…


Dapat nga sasali pa ako sa yung mag-hu-hulog ng barya.. tapos ang mapapanalunan mo ay mga plato, baso, mangkok… mga ganun. E kung sakaling manalo ako, edi may obligasyon pa kong iuwi yun. Baka pag pasok ko sa bahay sabihin ni Inang Marites, “Bakit ka may dalang mangkok?”
After naman ng adventure na yun, sobrang dami kong natutunan. UNANG-UNA, hindi na ulit ako tatapak sa peryang yon. PANGALAWA, ipapa-renew ko na yung insurance ko. PANGATLO, be faithful. HAHAHA.
Kahit ganun ang nangyari, FUN FUN FUN naman.

Ang tagal ko rin kasi hindi nakasama ang Ssadors.. dala na rin na busy ako sa mga documentary namin at sa TSITP.
MISS YOU SSADORS! MIMU.