TAKTENG Nakakahiya at Nakakapagod *bow*

Nagising ako kaninang mga ala una ng hapon na punong-puno ng mga bagay-bagay sa aking isipan. 

1. LARGA

2. CA Report at Shooting

3. “Diaspora” Documentary for Phi Lit

4. English Documentary

5. Church Involvement

6. Bagsak kong quiz sa ETAR

7. MAKALAGLAG DAMDAMING SOCIO PAPER na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasisimulan

8. SUGAR, SUGAR

9. The Tudors na ilang araw ko nang dinodownload

10. Mga langgam sa table

11. Mga kailangan kong ayusin sa buhay ko

Ewan. Minsan ba nangyari na sa inyo yun? Pagkagising sa umaga, reflect-reflect muna bago bumangon. Hindi ko talaga alam gagawin ko. Iba na ito. Kailangan ko pang samahan sa Healthway ang ate ko, e medyo may lakad ako with Daniel. Pero syempre, malay mo.. may cancer pala ate ko. HAHAHA! JOKE! Ramdam ko na rin na hindi ako makakahabol sa lakad ng Daniel. Hello HUHU. 

So ayun. Kain. Ligo. Bihis. Ayos. Then, nasa Ermita na kami. Hello Robinsons Ermita! MIMU! Ito ang mall na kabisado ko talaga, lalo na yung bata ako. Haha. Kundi sa Harrison’s Plaza, dito kami sa Robinsons. 

After sa Healthway, which is matagal-tagal… Napag-isip-isip namin na manuod na lang ng pelikula. Napili namin ang… Shake, Rattle and Roll. Nung Pasko kasi, dahil sa na-no choice kami… Yesterday, Today and Tomorrow kami bumagsak. HAHAHA! Ayos ba? Kasi naalala ko yun, habang nasa ticket booth kami.. nakasulat na agad dun yung mga sold out hanggang last full show. Kaya sabi na lang ni Inang Marites, “Miss, ano yung hindi sold-out na mag-s-show na ngayon?” Ang sabi naman nung babae, “Yung Yester-” “Yun na lang!” O diba? Ayos ba nanay ko? Actually, may rason talaga yun e. Yun talaga ang gusto niyang panuorin from the start pa lang, pero ayaw namin. So nagdecide kami nun na Shake, Rattle and Roll na lang. Pero sold-out nga siya nung 25. Kaya ayun. Successful si Inang Marites. 

Ganito pa ang reaksyon niya nun, “Sayang naman. Wala e, sold-out sila. No choice tayo.” Pero siguro deep-inside ni Inang Marites..

Alam mo yung feeling na dapat kayong magmadali kahit 20 minutes before pa lang magsisimula yung movie? Well, kami hindi. Haha. Ramdam naming kami-kami lang ang manunuod tulad ng Rosario last year. Pwede pa ngang mag-tango sa sinehan sa sobrang onti ng tao. HAHAHA!

 Well, anyway…

Nanuod kami ng Shake, Rattle and Roll… habang nanunuod kami.. syempre, inom lang ako ng inom nung inumin ko. Haha. Actually, hindi ko talaga gusto yung iniinom ko kasi malamang alam kong mapapa-CR ka talaga dun. Pero kailangan kong pilitin para makakuha ng planner. HAHAHAHA! Edi ayun. Yung sa pangalawang storya na part nung sa pelikula. Ibang level na to, kailangan ko na talagang mag-CR. Edi tayo ako..

(BABALA: Kung nerbyosa ka, wag mo na ituloy. At kung wala ka talagang pake sakin, o hater ka.. wag mo na basahin ang mga susunod na mangyayari.)

Pero bago ko sabihin ang totoo.. Mumurahin ko muna ang Robinsons Movieworld. PLEASE?! PLEASE?! Kailangan na talaga e. 

PUNYETANG MOVIEHOUSE YAN, BAKA GUSTO NILANG SUBUKAN LINISIN ANG SINEHAN KADA-TAPOS NG MOVIE? PARA NAMAN MAPULOT ANG MGA PLASTIC AT KUNG ANO MANG MGA BASURA SA SAHIG. O KUNG TIPID SILA AT AYAW NILA MAGLINIS, BAKIT HINDI SILA MAGLAGAY NG ISANG MALAKING-MALAKING-MALAKING BASURAHAN SA GITNA NG AISLE PARA DI NAKAKALAT ANG MGA PESTENG BASURA SA SINEHAN. GETS NIYO? PUNYETA. PUNYETA. TANGNA.

E KUNG MAY MADULAS DOON AT MABAGOK YUNG ULO? SA TINGIN BA NILA PWEDE NA LANG PAAPUYAN SA KANDILA YUNG CRACK NG BUNGO AT MABALIK SA DATI? O BAKA NAMAN PWEDENG I-MIGHTY BOND YUN? BULLSHIT. MALL PA MAN DIN.

So ayun nga. Going back..

Edi tumayo ako… dahan-dahan ang lakad para hindi maistorbo ang ibang tao. E dahil nga maganda ang maintenance ng Movieworld, may natapakan akong plastic. At walangyang yan, nadulas ako ng bonggang-bongga. E medyo isang tapak na lang at nasa aisle na ko na may carpet. Ayun. Nadulas ako. Yung upuan na nahawakan ko before sakin, hindi ko nahawakan yung ulo ng lalaki dun. Edi hindi nakakahiya diba? Eto pa mas malupit, onting-onti na lang talaga as in ilang centimeters.. mapapaupo na ako sa lap nung lalaking nasa likuran ko. SHIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIT! Ang tagal pa ng eksena, isa yun sa pinakamatagal na segundo ng buhay ko.

Seryoso.

Ang malupit pa, nag-struggle ako sa pagtayo dahil ayaw matanggal ng plastic sa sapatos ko… so para kong mukhang tanga dun na nag-p-paddle sa plastic.

Pagkatapos kong mag-CR hindi ko alam kung babalik pa ko sa upuan ko. Ang daming taong nakakita. Nakakawala ng dignidad.

HAIIIIIIIIIIIIII.

Wrong decision in life happening right now. The consequences are inevitable.

After ng nakakawalangyang pangyayare sa sine.. lipat naman tayo sa bahay kung saan nakakapagod ang pangyayari.

Dahil nga sa may laptop na kong mas bago kaysa sa ginagamit ko dati, binigay ko na kay Inang Marites yung dating laptop. As in ancient laptop talaga yun ng todo, mga 1st year high school pa ko nun buhay na yun. So walang sinabi yung mga laptop niyong may built-in webcam. HAHAHA! 

Dahil sa tinanggal ko na ang icon ng Internet Explorer sa laptop kong yun, kailangan ko siyang buhayin ulit. Internet Explorer lang ang kayang gamitin ni Inang Marites. Hindi Opera at hindi Mozilla Firefox. E medyo Google Chrome ang gamit ko, so kailangan ko muna siyang turuan. GRABE! Ibang klase magturo ng ganito-ganito sa magulang. IBA NA TO. Nakaka-high blood.

Marami akong natutunan.

1. Inang Marites at ang mga kagaya niya - the patron saint of Internet Explorer

2. Dapat mabagal magturo

3. Alam ko na kung kanino ako nagmana pagdating sa pagka-slow

4. Alam ko na ang feeling ni Inday Amo tuwing uutusan siya ni Inang Marites

5. Dapat laging maging available tuwing maglalaptop si Inang Marites dahil hindi siya titigil kakasigaw ng “DEEEYNIIIIIIII! DEEEEEEEEEYYYYYYNI! DEEEEEEYYYYYYYYYYYYNNNNNNNNNNIIIIIIIIIII!” dito sa bahay hangga’t hindi ko siya natutulungan sa laptop. (E MEDYO BUKAS, NAKA-LEAVE SIYA AT DITO LANG SIYA SA BAHAY. SO IT MEANS..)

Kanina nga sinabi niya pa, “Kayang-kaya ko na to. Ako pa, magaling sa mga computer.”

Naalala ko bigla dati na tinawagan niya pa si Ate Abbey Mae sa cellphone kasi hindi niya alam kung paano mag-add ng new slide sa Powerpoint. Mehe.

So, mahaba pa yung post na ito? Well, ang tagal ko rin kasi hindi nakapag-post.

Makatulog na nga. Excited na kong gamitin yung piling ko sa mata. Haha. Hindi ko kasi alam ang tawag dito. 

Oha. Effort sa picture. Niweyz.

Goodnight. :))))))))))))




Page 1 of 1
Design by Craig Snedeker