-
Dec
20
- View Post
Sorrowful Sorrowful

Ok. Haha. Ayos ba ang pagbati ko sa unang-una?
Actually, sobrang hindi ko na alam sasabihin ko kasi ang dami ba namang nangyari sa buhay ko nung last week. Sobrang dami. Pwede na rin siyang gawing nobela pero siguro sa ibang araw ko na lang ipopost ang tungkol dun tutal naman may ilang araw pa bago matapos tong lokohang bakasyon na ito.
Grabe. Ang sarap talagang pakinggan ni Amy Winehouse.

Siya nga ang pinapakinggan ko ngayon e habang ginagawa ko ang report namin para sa CA. Grabe lang talaga, feel ko nga luluwa na mata ko, hinayupak na yan, pangalawang scene pa lang nagagawa ko dito sa report namin. Whew! Pero for the love of being a student…. WAHAHAHA!
Nakakabadtrip nga lang gumawa ngayon ng Flash, kasi ba naman laggers tong laptop ko ngayon. Dala na rin siguro ng dinodownload kong The Tudors Season 1-4 ngayon sa torrent. Oo, hanggang ngayon yun parin dinodownload ko. Ngayon gabi, pangatlong araw na ata nito ni Lappy na hindi natutulog. Sabi kasi nila maganda ang The Tudors, at merong time may napanuod ako sa.. ETC ba yun o 2nd Avenue? O basta sa ganun.. habang nag.. ano… nagtatalik.. NAKS! Ok. Habang nagtatalik yung isang babae at lalaki, NAGKAKALMUTAN SILA. Oo. As in. KALMUTAN.

Edi NOOD NA! Haha.
Pero inangyan.. ILANG ARAW PA BAGO KO MAINTINDIHAN KUNG ANO BA TALAGANG DAHILAN KUNG BAKIT SILA NAGKAKALMUTAN?! Ang bagal ng net. Sobra. Magbubukas ka lang ng Google, biglang web not found ek ek. Ang sabi dito ngayon sa dinodownload ko.. 33.4% pa lamang ang na-d-download nito. Ang mas malupit pa ang ETA niya… Guess what? 1w6d! 1 week 6 days. Isang linggo at anim na araw. WATDA!?
Kanina nga 1d6h na e, biglang balik sa dati. Bastusan? Excited na ko e.
Buti na nga lang at may nakareserve na series kami. Mayroong na-copy yung Ate ko na “Prison Break” sa kaklase niya. Yun ang binabanatan namin.
PERO.. wala akong ma-accomplish. Eto ngang lokohang bakasyon na ito, ang dami-daming gagawin. Hindi ko ine-exaggerate ha. Yung paper pa lang sa Sociology about dun sa pagpunta namin sa Bilibid… hindi ko na alam gagawin e. Pag-iniisip ko pa lang…

Mala-thesis ang paper. Naknampots. Habang dinidiscuss samin yung tungkol dito sa mahiwagang paper na ito.. maraming mga larawang sumusulpot sa Christmas ko.
1. Isang Christmas Tree na nasusunog
2. Mga fireworks na tuloy-tuloy lang papuntang taas hanggang makaabot na sa kabilang galaxy
3. Isang magulo na kwarto sa Pasko at New Year
YON! Makakapag-bagong buhay.
Andami ko pang gustong sabihin pero parang gusto ko nang mahiga. Woks. Next time na lang muna.
:))))))))