-
Dec
7
- View Post
Biyahe ng Buhay
Grabe itong araw na ito. Maraming nangyari. WHOA! Sa sobrang dami, pwede ko na ikwento yung mga nangyari ngayon sa mga magiging apo ko… KUNG magkaka-apo. Hahaha. Mehe.
Late na kong nakatulog kaninang madaling araw. Hindi ko alam kung bakit pero ganun talaga ang buhay. Mga 1 o 2 na ako nakatulog kanina tapos nagising ako ng 5:30. Punyemas, parang umidlip lang ako. Ayun. Pagkagising ko, sakit ng ulo ko. Tapos pagkababa ko, punyeta.. corned beef yung ulam.

Oo. Tangna. Corned Beef yung umagahan with matching itlog na may sibuyas na may kamatis. Parang mas ok nang ulamin ko ulit yung ulam kagabi. BAKKKKKKIIIIIT? Bakit corned beef? Corned beef ba ang buhay ng tao? Nung elementary ako, baon ko corned beef pag lunch. Tapos leche pag recess, yun din kasi palaman naman sa tinapay. Nung high school ako, BWAKANANG, corned beef din ulam ko. E ayoko rin naman kasi bumili sa canteen kasi parehas lagi yung tinitinda tapos ang mahal pa. Sus. Edi magbaon ka na lang. May nakita akong menu ng Chunkee na “Nilagang Corned Beef”. Takte. Yung nanay ko pa naman madalas nagluluto ng Nilagang Baka tuwing Sunday. Paano pag naghirap kami? Edi Nilagang Chunkee Corned Beef na lang kakainin namin? JUSKO. Magttrabaho na lang ako sa Jowlibi para dun. O kahit sa Tropical Hut. Hahahaha!
After kong kumain ng umagahan, naligo na ko. Sa banyo, parang ang slow mo ng galaw ko. Alam mo yun, kahit alam kong baka magalit sakin si Inang Marites kasi makikisabay lang ako sa kanya, WAPAKELS lang ako. Ayos ba?
Pagkapunta ko sa UST, diretso agad sa Albertus Magnus. Akyat sa 4th floor, tapos the job started. Hindi naman masyadong nakakapagod yung mga pangyayari kanina. Hindi naman kami nagbuhat ng SOBRANG bigat na table ng FMO mula sa 4th floor ng Albertus hanggang sa AB. Hindi ko naramdamang mapupunit yung braso ko.
After nun, pumunta kami sa Piso Print para tawagin sila pero wala sila. So punta muna sa lobby ng AB. Nagpaphotocopy. Sinamahan ang head ko sa BDO para i-withdraw ang cheke pero fail kasi pang-deposit lang talaga siya. Pumunta kami ng co-staff ko sa Albertus para ayusin ang tarp ng The Pit. Balik ulit sa AB. Pagkapunta sa AB, hanapin daw ang mga head namin sa FMO. So puntang FMO, pero biglang tumawag at nasa Albertus daw sila. Ayun, lipad kami papuntang Albertus. Tapos iniintay na kami ng greatest challenge of our lives. ANG TROLLEY ng FMO! Tenenenen.

Hindi lang trolley kundi pati ang gamit ng Rice in a Box which contains kalahating sako ng bigas, tubig, mga pagkain at ulam nilang kilo-kilo. Ewan. Basta ang bigat. Ang hirap i-balance ng trolley. Nakakamatay. Wala akong sugat sa binti. Parang hindi mapipigtas ugat ko sa kamay. Grabe. Hindi pa nagsisimula ang klase, dugyot agad ako. Pagkatapos ng aming pilgrimage.. HAHAHA. Balik ulit sa FMO para isauli ang trolley. Pagkabalik ng AB, balak na namin ng co-staff ko na kunin ang order ng mga actors sa Albertus pero pinaghiwalay nila kami. Siya ang pupunta sa Albertus at ako’y pinatakbo sa Joli’s para makabili ng duct tape. Pero hindi ako tumakbo kasi ang sakit na ng braso at talampakan ko. So chill onti sa paglakad. Nakita ko si Ed tapos sinamahan niya akong bumili. Nakita namin si Jekky at na-interview na rin para sa segment ni Ed. Pati ako na-interview. Pumunta ako sa Albertus para tulungan ang mga co-staff ko. Binilhan namin ang mga actors at PD ng mga pagkain. Tapos akyat ulit Albertus pero umalis din ako agad kasi mag-l-Logic na.
Sa Logic, YOOOOOOOOOOOOOOOOOON! Hindi ako bagsak kanina sa seatwork!!! Punyeta talaga!

Sabihin mo OA pero kasi parehas lang ang quiz at seatwork namin sa Logic. I mean, magkapantay sila so parang quiz na rin ang seatwork. Ayun. Double Fuck.

Kamusta naman yun? Antok na antok pa naman ako kanina habang nagtuturo si Sir. Gutom rin. Jusko. Tapos Theology naman, ayun kumain lang ako. Feel ko nabadtrip si Ma’am nun pero kasi sobrang gutom na talaga ko. Ibang level na to. After kumain, naglaro pa ako ng word hunt. Haha. Ayos ba?
Pagkatapos nun, diretso agad ako sa booth ng AA sa AB para bantayan ito. Dala na rin na marketing ako, ganun talaga. Mga 2 nagsimula yun hanggang 6:30 ng gabi. GRABE LANG. Haha. Nagkaubusan na kami ng topic ng kasama ko dun. Tawanan. Ganun. Sobra. Pero atleast, nakabenta kami ng ticket. Oks na yun. Ang daming pinag-usapan tulad ng mga pagka-“amo” ng mga kasambahay yung tipong paglipat ng TV nung malingat ka lang ng sandali. Nakuwento ko rin yung psycho naming kasambahay dati na si Marivic. Haha. Nice.
Sa sobrang dami hindi ko na maalala yung iba pa naming pinag-usapan.
Sa sobrang tagal naming nakaupo dun, feel ko nawala kami sa sibilisasyon. Haha.
Hanggang mag-6 na at pumunta siya sa Albertus. So ako na lang yung naiwan dun at si kuya na nagpprint ng tickets namin.
Nagbasa ako ng Percy Jackson. Tapos biglang dumaan si Sir Bong. Ayun. Tumabi siya sakin. NAAAAAAAAAAAAKS!

Sandaling kwentuhan tapos tinuro niya si Ate Ronnie. Haha. Share.
Pagkaalis ni Sir Bong, lonely ulit ako. Basa ulit ng Percy Jackson. Tapos punyeta… bigla akong nakatulog! Whew! E ang daming taong nakarating. As in nanaginip ako. My ghad. Tapos bigla akong nagising. Akala ko nasa bahay ako. Hahahaha. Sobrang antok ko talaga.
Buti na lang dumating sila Ate Micah. Yey! Haha. Sabi ko uuwi na ko, iniintay na ko ng mga kaibigan ko. Ayun, pagdating sa quadri.. wala ni-isa. Haha. Busy ata sila. Umuwi na lang ako. Sobrang antok talaga ako. Ultimo dun sa benches sa harapan ng Eng, gusto kong matulog.
Ayun. Tumawid ako sa Espana at lahat. Ang tagal bago makahanap ng jeep. Punyeta punuan talaga. Alam mo yun.. grabe yung buhay.
Hindi pwedeng padalos-dalos. Kailangan mag-intay. Iniintay talaga ng mga tao yung tamang jeep na magdadala sa kanila sa destinasyon nila. E nung mga oras na yun, kahit ano naman kasing jeep sakyan ko sa Espana kasi lahat naman yun ay dadaan sa Cristobal. So kahit ano nga. Wala akong pinipiling jeep. Halos matumba na ako sa Espana kakaintay sa pesteng mga jeep na yan. Ayun. Nakakita ako ng Project 2-3 na kasya dalawang tao. Sumakay ako.
Biyahe ng Buhay. Mag-iintay ka lang kung kailan ka titigil.. kung kailan ka aalis.. kung kailan ka mag-m-move on.. kung kailan ka magbibigay.. kung kailan mo sasabihin kung saan ka talaga pupunta.. Syempre dapat sa siguradong lugar ka bababa. Mamaya naman pagkababa mo, may balisong na naghihintay. Mehehehe. HAHAHAHA!
Ayun. Kakaganito ko, nakatulog ako sa jeep. Bababa ako dapat sa Cristobal.. pero leche, lumagpas na ng riles, ng Maceda at ng Bluementritt. Pagkagising ko nasa Welcome na kami. YON! Nashock ako. Hindi pa kagad ako nakapag-para dahil nga nasa state of shock ako.

Syempre nagising ako. Acting kunyare na dun talaga ako bababa. Confident.

Pero deep inside sobrang gulo ng isip ko. Naalimpungatan ako e. Alam mo yung feeling na yun. Nakatayo lang ako dun sa kalsada. Haha. Mukhang gago.
Imbes na sumakay na lang ako ng tricycle sa may UDMC na mas malapit pa.. hindi ko alam kung bakit ako nag-overpass at sumakay papuntang UST. AYOS BA? Bumaba ako sa Vicente Cruz at nilakad ko. Haha. Ang tanga lang talaga. Hanggang ngayon, natatangahan pa rin ako sa nangyari kanina. Hindi ko ma-analyze yung nangyari. Hindi mag-sink in sakin na sobrang tanga ko.
Grabe ang biyahe ng buhay.. kundi ka maingat, goodluck sayo. Biyahe ng buhay… matagal, mabagal, mabilis, maikli, mahaba… Depende sa panahon, sa tao at sa kundisyon. Hmmm..
Heto ako ngayon. Imbes na nag-aaral ako para sa removals bukas sa ETAR at sa bigating quiz para sa HST 101, nag-t-tumblr lang ako. Whew! Takte. Inaantok pa rin ako ngayon. Haha. Mag-aaral pa ba ako? Niweyz. Bahala na. Mehehehe.
Mimu.
