Sa Gabing Nakuha ang aking Hinahon

D-E-C-E-M-B-E-R para sa mga mahilig mag-elaborate.

December para sa normal na tao.

Decembre para sa Latin.

Decembrios para sa mga Griyego.

Disyembre para sa mga Pilipino. Bida ang buwan kaysa ang araw. Bida si Santa Claus kaysa kay Jesus. Bida ang regalo kaysa sa buhay ng Pasko. Bida ang pamasko kaysa sa katauhan ng mga ninong at ninong. Peste, hindi ko nga kilala yung ninong at ninang ko e.

Ayan. December 2011 na. Magpapasko na naman. 

Gastos na naman. Tapos wala pang baon sa bakasyon.

Bahala na yung nanay ko sa mga inaanak ko. Pero kamusta naman ang mumunting ipon ko para sa aking minamahal na kaibigan? Nakakadepress talaga minsan yung pasko. Ang maganda lang naman sa Disyembre ay BAKASYON, PASKUHAN AT BONUS. BWAKANANG. 

Pero hindi talaga yun ang kinakalungkot ko tuwing Disyempre e. Alam mo yun, pag tuwing December parang dun ako tumatanda. Daig pa ng December ang birthday ko, ang October. Ewan ko kung bakit. Mas feel ko talagang tumatanda ako. NOOOOOOOOOOOOO!

Tapos 2012 na sa susunod na buwan. So ano na?

Haiii. Ok. Makatulog na nga. Kakaiba ang Thursday ngayon. Papuntang impyerno. Iba na to. Sana kayanin ko tong araw na ito. Ngiti lang ng ngiti kahit anong mangyari. Kahit babagsak na ang mga mata o kahit man bumigay ang tuhod at maglaho ang tuwa… just smile. 




Page 1 of 1
Design by Craig Snedeker