-
Nov
29
- View Post
Di-di-dit-di-dit.
Naiinis ako sa sarili ko. Nakakainis talaga. So very unsure of tomorrow. Masyado ko naman ata kina-career yung joke na sinabi ko dati na.. “…parang mas cool kapag walang direksyon ang buhay. You know… out of the box, spontaneous.” Ayan. Na-out of the box tuloy ako.
Nakakainis talaga.

Alam ko namang gagawa kami ng report mamayang alas diyes pero heto pa rin ako ngayong alas singko ng umaga, nag-i-internet. NAKAKAINIS TALAGA. Oh my, parang ang psychotic ko na. Mehehehe.
Dapat talaga natulog na ko kanina pa e. Tinapos ko kasi yung Sleeping Beauty ni Julia Leigh kanina para no questions asked. Tapos nadiscover ko na may live action na pala ang Paradise Kiss. Naalala ko dati na maganda nga pala yung anime na yun. So realistic. I mean, basta maganda. Haha. Edi ayun, inintay ko pa matapos yung pag-d-download sa torrent. Tapos BWAKANANG… pinanuod ko pa kahit alam ko na stress ang aabutin bukas.. este mamaya para sa report namin sa CA. YON OH!
CA pa! Major ko pa. Naknampots.

Pero looking at the bright side… na-entertain naman ako sa Paradise Kiss. Parang engot lang yung Sleeping Beauty, wala ako maintindihan kahit may subtitle. Mehehe. Erotic lang siya at maraming nude scenes pero all in all, hindi siya maganda. Sus. Ganito lang itsura ko buong palabas..

Ok naman yung Paradise Kiss. Medyo kakaiba lang yung storya nung movie kaysa sa anime. I like the anime more. Mas tumatak siya sa isip ko. Napaisip talaga ako. Naks! Haha.
So ayun. Makatulog na nga at baka mamaya 2.25 na naman makuha ko sa CA. Inangyan. Dapat galingan ko talaga ngayong Comm Theories para naman mapaglaban ko ang major ko. Kahit sobrang hirap nung report namin tungkol sa Mainstreaming ng America tungkol sa Violence, kakayanin to. Punyeta naman kasi. Bakit biglang may geometry dun. Haha. I mean, andaming graphs. Tapos yung graphs pa ang daming linya. Patong-patong. Sobra, hindi ko na maintindihan. Parang yung mga graphs lang kanina sa ETAR. Alam mo yun, yung feeling na maling klase napasukan mo kasi hindi mo talaga maintindihan. Kopya na lang ng kopya sa board. Parang hindi ETAR class napasukan ko, parang French class. Mehehe. Tapos… Walangya, may quiz pa sa susunod. Sa susunod ba o sa susunod ng susunod? E basta, may quiz. Haha.?
So ano na namang itsura ko sa quiz?

BWAKANANG. Matutulog na nga ako.. pero bago yan.. magbabasa muna ko ng Son of Neptune. Mehehehe. :)))))))
