-
Nov
27
- 1 note
- View Post
“WOKS”-ky WOKS.
Alam mo yung feeling na tumitibok yung utak mo? Ang sakit-sakit. Hindi ko alam kung bakit. Sinubukan kong magpahinga pero wala. Maaga ako nagising kanina dala na magsisimba kami at yung ate ko ay dapat pumunta sa doktor.
Gumising ako ng biglaan na parang binuhusan ng isang tabong tubig mula sa rumaragasang gripo ng umaga. NAKS! Haha. Naligo agad ang ate ko so wala akong choice kundi kumain ng umagahan. Alam mo yung umagang-umaga pa lang, nakita mo agad na ang sarap ng buhay ng amo niyo dito sa bahay. Syempre, wala pang ulam at sinasangag pa lang ang kanin. So ayoko na magreact.

Umakyat na lang ulit ako at nag-facebook. Pagkatapos everything happened in a blur. NAKS! Blah blah. Pumunta kami sa Healthway. Grabe naman kasi magreact yung ate ko kanina. Sa lahat ng parte ng Healthway na pupuntahan niya ay dapat kasama ako. Kala mo may taning na yung buhay niya. Kala mo may cancer nang kumakalat sa katawan niya. Anyway. Parang joke time lang yung pagpunta sa doctor. Niresetahan lang siya. Tapos naiilang ako sa pagttype ng doctor dun sa computer niya kasi hindi nga siya marunong magtype. Grabe. pero naisip ko na oks lang naman yun kasi malaki naman kinikita niya. Mehehehe.
Pagkatapos sa Healthway, sinabi ko sa nanay ko na kailangan kong magpa-picture kundi matatanggal ako sa PE namin. Haha. Tinanong niya ko kung saan sabi ko okay na sa Photoline. Nung papasok na kami sa Photoline, papalapit na samin yung lalaking employee dun.. tapos naalala ko na pangit nga pala dun. BAKIT?
Ganito kasi yun.
Nung isang araw nagpapicture ako sa Photoline sa SM San Lazaro.
AKO: (Smile.)
Photographer: (Picture)
Ako: Patingin Kuya.
Photographer: (Pinakita.)
Ako: Isa pa po. (Smile.)
Photographer: (Picture. Lapit sakin.)
Ako: (Tingin.)
Photographer: (Pinakita.) Wala namang maganda e.
Ako: Gwapo mo e.
Ayun. Hindi siya gumanti. Hindi tuloy malangis yung mukha ko sa 1x1 ko. Sobra. Haha. Nahiya naman ako kasi nag-effort pa siyang i-edit yun.
So ayun. I’ve learned my lesson. After magpapicture, dumaan kami sa National Bookstore kasi kailangan ko ng ballpen at gusto ko nang bumili ng Kiko Machine Komix Number 7. Habang naglalakad, hiningi ko sa ate ko yung mineral water niya.
Painom na ko.
Ate Bhie: Dun na lang tayo sa bintahan…
Ako: (Natatawa ako. Pero keri pa.)
Ate Bhie: (Tawa ng tawa) HAHAHAHA! BINTAHAN..
Ayun. Natawa din ako. HINDI KO NABUGA YUNG TUBIG. YON! Hindi nakakahiya.

Ang malupit pa dyan. BWAKANANG! Ang daming tao…

YON! Tapos hindi pa puro lalaki. Naka-eye-to-eye ko pa yung isa sa kanila. Hindi siya tumatawa. Ayun. E tawa din ako ng tawa nung time na yun at pati yung ate ko. E kamusta naman kasi yung tawa ko diba? Pangdalagang Pilipina. Hindi tuloy kami pinagtitignan sa mall kanina.
Pagdating sa National, ang malas pa kasi wala yung Kiko Machine dun. Mimu.
Niweyz. Ayun. Heto ako ngayon. Gumagawa ng paper para sa Theology na gaguhan. Goodluck na lang sa akin.
