DRINK NOTHING, SAY NOTHING.

May 30

Late-Night Sabaw: Anyare satin?

So ayon. Marami kasing nangyari ngayong araw na malamang ay konektado din sa mga nangyari sa mga nakaraang araw at linggo… ALANGANAMANG ARBITRARY LAHAT ANO? Parang tanga naman yon. Haha. Weh korni ko. HAHAHA!

Unang-una, tag-ulan at lagi kong nakakalimutan yung payong ko sa bahay. Malamang kahit hindi umuulan, may dala ka pa ring payong kasi minsan si Haring Araw ay sobrang OA. ILANG BESES KO NANG NAKAKALIMUTAN. Sobrang ewan talaga, nakakainis.

Pangalawa, nasira phone ko. Hindi gumagana ang touchscreen, so paano ko gagamitin? Kung voice activated lang ang phone ko, why not? So hiniram ko yung lumang Motorola V3 phone ng ate ko… OHA, it used to be everyone’s dream phone. HAHAHA! Pero dahil tanga-tangahan, hindi maalala ng ate ko ang phone lock niya. AYOS?! So yung isa niya pang lumang phone hiniram ko, yung Sony Ericsson. Ito ngayon ang ginagamiit ko, ok naman siya kahit papaano… pero nung isang araw, hindi na gumagana yung RIGHT key. Medyo tanggap ko pa dahil nakakapagtext pa naman ako at nakakatanggap ng tawag. Nung araw sumunod non, nawala naman ang DOWN key. TANGNA. Tiyagaan sa pagscroll dahil kailangan mo pang pumunta muna sa pinakababa para lang makapunta sa pangalawang recent message. 

Yon, tanggap ko pa… pero ito talaga ang hindi ko tanggap. KANINA LANG, nasira na rin pati yung MENU button. Yung MENU button na ito na nasa gitna ng mga arrows, ito rin ang nagsisilbing OK, SELECT at ANSWER. SO?! Hindi ko magalaw ang messages ko at lalo na ang phone ko mismo. TANGNA. Tingin lang ng oras nagagawa ko edi sana bumili na lang ako ng relo sa kanto. Kailangan ko nang bumili ng bagong phone. KAILANGAN KAILANGAN. Baka pag pinagawa ko pa Samsung ko, mas mahal pa kaya bibili na lang ako ng phone. Ok na sakin yung tig-900 dyan. BASTA MAKATEXT, kailangan talaga lalo na’t Recruitment na ng AA. 

Pangatlo… ito na naman tayo sa CJ Corona trial. Kinulit ko pa tatay ko na i-update ako sa lahat ng nangyayari sa trial nung 29. Nagtetext naman siya every hour. Aaminin kong nalungkot ako nung GUILTY itong si Corona. Hindi dahil sa kampi ako sa kanya at dahil Tomasino din siya… pero hindi kasi ganun kaganda ang imbestigasyon na nangyari. Matagal nga at inabot ng 40+ days pero ano naman ngayon? May kaso nga sa korte na umaabot ng hanggang sampung taon dahil sa hindi sapat na ebidensya..

Tulad ng mga sinabi ko sa Twitter, ramdam kong may conspiracy ditong nagaganap. Halatang may pinoprotektahan ang mga tao sa hukuman. Malamang may kasalanan din itong si Corona at hindi maiiwasan ang pagiging corrupt ng mga tao sa politika… pero ramdam kong hindi lang kay Corona ang mga dollar accounts. Masyadong amateur at ang bobo lang talaga ng pagtatago. Kung ikaw ba ay kukuha ng milyones sa kaban ng bayan, ilalagay mo ba ito sa pangalan mo? Mag-iiwan ka ba ng bakas? Sinong bobong mangungurakot ang gagawa non? TANGAHAN LANG? Edi sana wala nang corrupt dito ano. Siguro maraming tao ang sangkot dito at diniin na lang kay Corona lahat. 

KUNG SIGURO.. 100% transparent ang paghawak at pagpresenta sa mga ebidensya, maraming lalabas na pangalan. Hindi lang si Corona, baka kasama na rin ang mga taong gumagawa ng batas, nagpapalaganap ng batas at nagbibigay kahulugan sa batas.

NASTRESS TALAGA AKO. Sabihin niyo OA, pero kasi may pakialam ako sa nangyayari sa bansa natin. Mas ok nang alam ko ang mga dahilan bakit tuluyang lumubog ang bayan kaysa naman sa panuorin ko lang tong lumubog. TANGAHAN NA NAMAN?!

Nung kinagabihan nung 29, pinanuod ko sa Youtube yung mga videos nung trial. Pinanuod ko ang mga senador na nag-acquit kay Corona. Hindi ko pinanuod lahat yung mga senador na nagsasabing guilty si Corona dahil baka mainis ako. Isa sa mga napanuod ko ay kay Escudero, Sotto at Lapid. Pinakinggan ko kay Escudero dahil alam kong magaling siyang magsalita. Pinanuod ko si Sotto at si Lapid dahil interesting sila… mas binigyan pansin ko itong si Lapid na sinasabi nilang walang ginawa sa senado.

Hindi naman nila kailangan pagsabihan ng ganon si Lapid, masyado naman nilang dinidiin.. alam naman nating lahat na ganon na. CHOS! HAHAHAHA! Joke lang. Takte, baka may bumaril na sakin sa labas ng bahay namin… yung tipong nakasakay pa sa kabayo o biglang lumusot sa ilalim ng PNR. HAHAHAHA! CHOS.

Eto. Magrarant ako. Kung fan ka ni Lapid bilang artista.. woks lang pero kung bilang isang senador, alis ka na dahil sigurado akong mag-aaway tayo. Hahaha.

Natatanga ako sa mga sinabi niya… Parang ano, nasali lang sa senado. Nakakainis kasi may isa o dalawa pa talagang deserving na kumandidato para sa senado na hindi nakapaglingkod dahil mas type ng ibang tao ang mga covered gym sa barangay kaysa sa mga pagbabago sa batas ng bansa natin. 

Idiniin nitong si Idol na siya ang nagrerepresenta ng mga mahihirap na hindi nakapagtapos ng pag-aaral… na tipong hanggang high school lang ang tinapos… na hindi siya tulad ng ibang taong nakapagtapos ng pag-aaral tungkol sa batas. Hindi naman ako against doon dahil kahit sino ay pwede talagang maging senador basta pasado sa requirement ng constitution… PERO SANA nung pinili at pinagkatiwalaan siya ng taong-bayan, INARAL NIYA NA SANA TALAGA ANG BATAS. Ibang level ang Senado, hindi na pwede maging dahilan ang INNOCENCE dyan. Ka-ignorantehan na lang ang pwede dyan, at alam naman nating lahat ang pagiging ignorante ay sinasadya na. Obvious naman kasing magkaiba ang innocence at ignorance. Kung pagsamahin ang bagong kaalaman at ang kanyang karanasan sa buhay sa paglilingkod niya ngayon? Edi medyo happy si Juan.

“Yung ano.. ano…” Ayan ang mga pinagsasabi niya sa korte. CUTE? May lugar ba ang “ANO”, bilang isang noun at hindi tanong, sa lugar at sitwasyon kung saan nakasalalay ang kinabukasan ng bayan? 

TARAY HA. 

ANYARE SATIN?!

Bakit tayo pumipili ng mga taong hindi dapat? Bakit parang namili lang tayo ng gulay at isda sa palengke ng alas siyete ng gabi? Paker. Nakaka-frustrate.

AT DAHIL DYAN… inomage na lang. HAHAHA!

Sa bawat alcohol na dadapo sa lalamunan at atay ko, ito’y para sa kaewanan nating lahat. 

OK. Ok na ko. Nalabas ko na ang gusto kong sabihin. NALOLOKA LANG TALAGA AKO.

Woks. Goodnight! Marami pang gawain. HAHAHAHA!

May 29

(Source: claudineborja, via myrationale)

(Source: flickr.com, via chelsberry-xo)

May 26

Late-Night Sabaw: Kalayaan

So… kailangan ko nang sabihin ang lahat bago pa lumabas ang album na naglalaman ng mga malalayang tao. Hahaha.

Hindi ko alam kung paano nangyari.. ano ang linya ng mga tala nung ako’y naging malaya. Feel ko talaga May 25 na ang Araw ng Kalayaan. HAHAHA!

May 25.

GA.

Renewal ng membership.

Props-making.

Merry-making. AY WEH! Hahaha.

Nanibago lang siguro talaga ako sa ininom namin dahil first time ko lang talaga mag-shots na ganoon. Haluka MP LIGHTS! Hindi kasi ko talaga tipo ang mga brandy. Vodka na lang, vodka. Hahaha. Kaya nga cokeandvodkas ang URL ko. HAHAHA!

KALAYAAN NUNG 25! Hindi ko maalala ang ibang pangyayari.

Ito naaalala ko..

1. Org..anization… CHOS! Hahaha.

2. MP Lights

3. Surprise - na medyo hindi ako nakasama. Hanggang intro lang si atembang.

4. 200… 200.. - paulit-ulit. Nagastos ko ata.

5. MMCA - kumaway sa mga fans na truck driver sa P. Noval. CUTE?

6. Sinigang - parang tumutulo sa braso ko at ang dami kong tinga after.

Ramdam ko isa sa dahilan sa disorientation ng utak ko ay inalog ko masyado ulo ko parang nung sa Padi’s. MALING-MALI. WRONGINGS. 

Dapat ipa-tattoo ko na ata dapat sa palad ko na bawal alugin ang utak at sumayaw pag nakainom dahil magiging… MALAYA.

Kapag noob ka pa lang sa klase ng inumin, mag-ingat dahil pag hindi magiging… MALAYA.

Huwag basta-basta kumuha sa kaha ng iba kung mali ang nabunot baka mas lalong maging… MALAYA.

Pag dating sa bahay, wag ipakita sa mga tao na ika’y isang taong… MALAYA.

SINIGANG ang sagot sa KALAYAAN. Mga haplos ng mainit na sabaw ay nakakatanggal ng KALAYAAN. - courtesy to Kuya Pags

Buti na lang may mga taong mabait sa mga taong malalaya. Hello nga pala sa mga naghatid sakin sa aming tahanan. Kuya Pags. Ate Aja. Nicopatty. Hindi ko ma-imagine sarili ko na mag-isang inuubos ang bote ng cologne ko sa jeep para hindi masinghot ni Inang Marites at ni Amang Abraham ang bakas ng pagiging malaya pagpasok ko ng bahay.

Ito pa ang malaking fail dyan. Pagkatapos kong mag-b-bye sa mga anghel ng aking gabi, sinara ko na ang gate. Tapos ilalagay ko na sana yung kadena ng gate.. Inangyan, hindi ko mashoot yung lock sa kadena. Parang 30 seconds kong tinatry masara nang bonggang-bongga yon… tapos sabay sabi ni Inang Marites.. “Wala pa ate mo.” Edi tanggal ulit. SAYANG EFFORT?

If you only knew, Inang Marites… if you only knew. Hahaha.

Gagawin ko na ang aking tactics tuwing umuuwi ako nang malaya.. ang pamatay kong linyang.. “Grabe. Hindi ko na kaya. Na-j-jebs ako.” Malamang diretso sa CR.

E punyeta. Hindi nakikiayon ang linya ng mga tala sakin ng mga panahon na yon. Ediba garahe muna, tapos may isang step para makapasok sa pinto ng bahay… nakatingin sakin si Amang Abraham, Inang Marites at si Inday… bigla ba namang sumabit yung paa ko sa step. CUTE?! Sabi ko na nga ba, premonition na yun nung natapilok ako sa P. Noval.  

Hindi ko tuloy nasabi yung famous tactic line ko. Tuloy-tuloy na lang ako.

GRABE. Ang OA talaga nung amoy ng kalayaan. Ako, damit ko, buhok ko, bag ko… at pati loob ng bag ko. Tapos pagkatapos kong maligo at mag-toothbrush… parang naaamoy ko pa rin yung yosi sa buhok ko, shampoo ulit pero ganun parin. OA?! Walang sinabi si Yuko Yamashita sa usok ng yosi.. hindi ko nga alam kung buhok ko pa ba yon o ilong ko na lang. HAHAHA.

Hindi na ko nakapag-online nung gabing yon. Hindi rin ako makapagtext ng maayos. Natulog akong basa buhok ko.

Mga madaling araw na rin nung umuwi si Sister Abbey… guess what? NAKAINOM DIN. MALAYA! Hahaha.

Ayon. Pagkagising ko, pakiramdam ko nag-cleansing ako. HAHAHA! Malaya e.

Isang beses lang naman nangyayari ang Araw ng Kalayaan.. sa susunod, mas matatag na. OHA! Kung MP Lights parin, edi I know how to control myself. 

Ang problema ko pa rin ngayon, amoy kalayaan ang aking bag. Hindi pwede labhan, leather si atembang. Hahaha.

Bahala na. 

Hahaha! :))))

Happy na Birthday pa!

Maraming pangyayari ang nangyari sa buhay ko lalo na nung tumungtong ako sa kolehiyo… at madalas kong kasama dito ang aking kaibigan… NICO FLORECE.

HAPPY BIRTHDAY! Hahaha. Tangna. Tawang-tawa ako dito sa picture na to, saktong-sakto pa dun sa caption ng t-shirt mo. HAHAHAHA!

Inpernes. Nahilo ako kakahanap ng mga picture naming dalawa para dito sa blog post special ko para dito. 

I remember this day… Parehas kasi kami ng kinuhang degree programs sa USTET at parehas din kami ng results… pinagkaiba lang ang pangalan namin.

Ansabi ng 2x3 niyang buhok at ang pa-tweetums kong buhok? HAHAHA.

AT ETO NA ANG AMING COLLEGE LIFE…

Grabe. Iba na siya agad.. 1st year college pa lang… samantalang, ganun pa rin ako. HAHAHA!

OH, remember this??? 1st Critic’s Night ata natin ito bilang Apprentice.. NAKS!

WOLO LONGGGG. Photobomb kasi dito sa Alyssa. HAHAHA! Iba na talaga si Rock Lee, biglang sumusulpot. NINJA.

Oh eto. Maraming salamat sa masayang mga pangyayari…

Kahit tinuruan mo kong uminom…

Tignan mo? Ikaw ang nag-i-initiate? Hahaha.

CHOS! Initiation mo nga ito e. HAHAHA! Masarap Antonov kasi.

At syempre ang mga masasayang random overnightssss.

Iba na talagang may pambili ng pagkain pang-overnight. CHOWSZZZZ!

At salamat din sa pagiging cool na friend. NAKS! 

Dahil birthday mo, isa na rin siguro sa mga gift ko ang pagkanta ng kantang ito… alam ko namang gusto mo rin tong kantang to lalo na nung cover ni Gabe Bondoc. IDOL EEEEEHHHH! Hahaha. 

<iframe width=”100%” height=”166” scrolling=”no” frameborder=”no” src=”http://w.soundcloud.com/player/?url=http%3A%2F%2Fapi.soundcloud.com%2Ftracks%2F47625132&show_artwork=true”></iframe>

Iba nang kumakanta sa Soundcloud.

Okay, kahihiyan na ang magpost ng ganito dito. Pero sige, kumanta pa rin ako para sayo bilang tiniis mo naman ako kahapon kahit palpak ako sa surprise na hinanda kahapon at nagfefeeling akong “MMCA” sa P. Noval kagabi. Mehe.

ENJOY YOUR DAY!

Kailangan kailangan. :)

May 24

[video]

May 22

Late-Night Sabaw: Isang Pasadang Rant

Sa mga nakaraang araw ng linggong ito, marami ang nangyayari sa Pilipinas pero ang main point ko dito ay dalawang bagay…

Kung isa ka sa taong makikitid ang utak… wag mo na basahin to. Please. Mag-aaway talaga tayo. Hahaha. 

Una. Ang walang kamatayang issue kay Lady Gaga.

Ewan ko lang talaga. Ang tagal ko rin inisip para may masabi akong tama sa bagay na ito. Ano ang nangyayari sa Pilipinas?

Inimbitahan siya dito tapos gagaguhin natin. Laging pinapatugtog ang kanta niya dito, nangunguna pa madalas sa Hit Charts.. tapos itataboy? Mukhang tanga lang.

Kaya lalong lumalala yung mga bagay-bagay na hindi dapat binibigyang halaga, kasi pinapalala. Simpleng bagay lang kaya ito. Kung ayaw nila, edi wag pansinin.

Yang mga religious blah blah na yan, hindi naman sila pinapakielaman sa trip nila ah… wag din nila to pakielaman, hindi naman sila sinusugod ng away. TSAKA, entertainment lang naman ito. Nung kinanta ba niya yung Judas, nawala ba yung paniniwala nila? Nasugatan ba sila? Na-convert ba bigla sa Satanismo yung mga tao don sa concert?

Tulad ng sinabi ko sa Twitter, bakit hindi na lang nila ilaon ang oras nila sa pagtulong sa mahihirap kaysa magreklamo sila dyan. May nangyari ba? Kinanta parin ni Lady Gaga ang Judas niya ah. Hindi rin naman nakansela ang concert niya. AT… marami parin ang nagugutom.

I-boycott ang concert? Sinong tanga gagawa non? Sayang bayad. Hahahaha!

HOSPITALITY SHIZZZZZZZ, panindigan niyo yan. 

Pangalawa. The CJ Corona Trial.

Kanina habang nasa jeep ako, ang pinapakinggan ng driver at ng kasamahan niya sa harapan ay ang CJ Trial. Nag-uusap sila tungkol din doon. 

Nakikinig din ako sa radio… may nakaligtaang linya lang ako dahil yung tamad na babae nagpaabot nung bayad. KAMING DALAWA NA NGA LANG YUNG PASAHERO AT NASA KABILANG SIDE SIYA HA. 

Hindi mo na rin kasi alam ang paniniwalaan mo. Pwedeng tama si CJ Corona, pwedeng nagpapanggap lang din siya. Ang dami-dami ko nang naririnig na conspiracy sa buong mundo, malay ko ba kung nabibilang itong impeachment na ito doon. 

Natutuwa talaga ako ng mga panahon na iyon dahil nakikinig sila sa ganoon. Hindi tulad ng iba na puro jokes lang ang pinapakinggan. Alam nila ang nangyayari sa bayan. Kung lahat ng Pilipino ay tulad ni Manong Tsuper, baka umunlad talaga tayo. Kung lahat tayo ay may pakialam sa bayan, maaayos ang problema. Hindi tulad nung babaeng tinanong ni Lourd De Veyra kung ano ang ibig sabihin ng “IMPEACHMENT”. Walangyang yan, hindi alam ni lola ang ibig sabihin ng impeachment.. maka-rally pa siya sa kalsada tungkol doon. NAKAKALOKA. Ang malupit pa dyan, LOLA siya. Ang matatanda ay dapat modelo ng kabataan. Kung halos lahat ng nakatatanda ay ganito, paano na ang kinabukasan? Edi patuloy na lang na maloloko nang maloloko ang taong-bayan. Lalayo nang lalayo ang agwat ng mayayaman at mahihirap at baka stage 1 million na ang kanser ng lipunan. 

IMAGINE THAT?!

Kailangan ng pagbabago. Kailangan lahat kasama doon hindi lang kabataan. Nasubukan na nga dati ng kabataan makipaglaban sa EDSA, successful nga ba? Bakit parang lumala ata yung nangyayari sa lipunan? Dapat lahat… matanda, bata, estudyante.. tindera’t tindero dyan sa palengke, kahit si Mang Jeffrey at ang aso niyang hindi tumitigil kakatahol at lalo na ang mga taong matapat na nagbabayad ng mga tax nila… magsama-sama lahat para enjoy.

Pero mahirap din magsama-sama ang lahat dahil bawat sitwasyon ay may dalawang side, ang oo at hindi. Mahirap na. 

AY BAHALA NA. Ayon, gusto ko lang talaga sabihin ang nilalaman ng utak ko. Nakakadepress kasi. Jusko. Ayun lang. 

HAHAHA.

WOKS.

May 20

Doon sa Sikretong Hardin

Noong Biyernes, nag-outing kami ng mga kaklase ko nung 4th year high school. Overnight lang naman ito at hindi kami masyado nagtagal doon. Hindi ito tulad ng outing namin dati na daytrip lang dyan sa Charbel o kaya sa Laguna kasama ang adviser namin. Sayang nga hindi siya nakasama ngayong taon, may pinuntahan ata. 

Tulad nga nang sinabi ko, hindi ito sa Charbel na daytrip lamang… yun talaga sobrang bara-bara lang. Yung pagkain namin, para-paraan nga lang e. Corned beef at tig-isang stick kami nang BBQ. Nung una nga walang kutsara’t tinidor, so ayun kinamay namin ang umuusok na kanin at corned beef. SAYA?! Tapos kung kailan matatapos na kumain ang lahat, doon lang narealize na may dala pala silang plastic spoon and fork. AYOS BA?! 

Para kang kumakain sa kawaling nakasalang… hindi mo naman maintay din na lumamig kasi malamang…

Unang-una, gutom na kayo.

Pangalawa, dahil gutom kayo… kailangan makipag-agawan.

Pangatlo, masaya rin naman yon. Gora na lang.

Moving on.

Ito nga pala ang gate ng Secret Garden. Sa Plaridel, Bulacan nga pala ito.

OHA?! Taray ng gate.

OHA?! Taray ng bahay. Pero hindi kami dyan natulog. Chos lang yan. Hahaha.

Ito nga pala ang pool. Ang cute diba? Taray nga e. Pero kala mo ganyan, pero pag andun ka na… ANG LALIM AGAD. OA?! Kaya maraming salbabida e. 

Gabi na ito nang kunan. Obvious naman diba. Hahaha. Actually, kaming dalawa ni Evez to e, hindi ko lang alam kung bakit siya nakaganyan. Pero pinili ko talaga to kasi ang cute nung effect nung tubig. 

Ito nga pala kami ni Nats habang nagluluto ng hotdog. Special request ko talaga kay Rena (yung presidente namin na nag-organize nitong outing) yan, hindi pwedeng walang hotdog. Dapat nga iihawin namin yan e, ang tag-tanga kami… nakalimutan bumili ng uling. TAMANG-TAMA.

Ito nga pala yung picture na kinuha ko mula sa phone ko. OHA. Sunrise. Kaming dalawa pa lang ni Nats ang gising nito. Hindi nga kami masyado nakatulog kasi ang init-init. Kwentuhan muna dito.

Ito nga pala ang view sa labas. So peaceful.

Ito naman kami ulit habang nag-c-chill lamang sa kwarto. Yung iba nyan nag-s-swimming, nag-ka-karaoke, kumakain… ganun. Medyo haggard din kami dito ano, nagpa-refill pa kami ng tubig kasi. Sobrang layo kaya ng nilakad namin tapos may walangyang asong tahol nang tahol samin. BUHAY?! Ayoko pa naman sa aso. Mas malupit pa dyan, yung kasama naming lalaki, si Stephen, mas takot pa sa aso. Buhay na buhay talaga kami ano.

Ito ang picture bago kami umalis sa resort. Medyo fail nga lang to, hindi ko alam sa kumuha… Hindi nakuha ng buo ang bahay. Hindi ko rin naman masisi si Rena dahil ang init-init nga naman nitong mga panahong ito.

So… nag-feeling lang ako dito na kunyari akin ang bahay at lupain na ito. Hahaha. 

Habang nasa van na medyo fail din ang aircon, masaya naman ang trip pauwi. May video pa nga e, next time ko na lang i-upload.

AYUN. Ang saya ng outing. Sana every year na lang ito, same date. Second time na kasi ito e, same date. OHA. HAPPY HAPPY. Marami-rami rin kami, mga 21. Hindi lang talaga kami magkakasama-sama sa isang picture. HAHAHA!

AT SANA.. makasama na rin si Nicopatty para mas enjoy. YEHEY!

May 14

the-absolute-best-gifs:

Follow this blog, you will love it on your dashboard

the-absolute-best-gifs:

Follow this blog, you will love it on your dashboard

(via katmallabsters)

When some bitch takes the spot you were saving for your friend

sodamnrelatable:

via sodamnrelatable

(Source: most-awkward-moments, via katmallabsters)