-
May
30
- 2 notes
- View Post
Late-Night Sabaw: Anyare satin?
So ayon. Marami kasing nangyari ngayong araw na malamang ay konektado din sa mga nangyari sa mga nakaraang araw at linggo… ALANGANAMANG ARBITRARY LAHAT ANO? Parang tanga naman yon. Haha. Weh korni ko. HAHAHA!
Unang-una, tag-ulan at lagi kong nakakalimutan yung payong ko sa bahay. Malamang kahit hindi umuulan, may dala ka pa ring payong kasi minsan si Haring Araw ay sobrang OA. ILANG BESES KO NANG NAKAKALIMUTAN. Sobrang ewan talaga, nakakainis.
Pangalawa, nasira phone ko. Hindi gumagana ang touchscreen, so paano ko gagamitin? Kung voice activated lang ang phone ko, why not? So hiniram ko yung lumang Motorola V3 phone ng ate ko… OHA, it used to be everyone’s dream phone. HAHAHA! Pero dahil tanga-tangahan, hindi maalala ng ate ko ang phone lock niya. AYOS?! So yung isa niya pang lumang phone hiniram ko, yung Sony Ericsson. Ito ngayon ang ginagamiit ko, ok naman siya kahit papaano… pero nung isang araw, hindi na gumagana yung RIGHT key. Medyo tanggap ko pa dahil nakakapagtext pa naman ako at nakakatanggap ng tawag. Nung araw sumunod non, nawala naman ang DOWN key. TANGNA. Tiyagaan sa pagscroll dahil kailangan mo pang pumunta muna sa pinakababa para lang makapunta sa pangalawang recent message.
Yon, tanggap ko pa… pero ito talaga ang hindi ko tanggap. KANINA LANG, nasira na rin pati yung MENU button. Yung MENU button na ito na nasa gitna ng mga arrows, ito rin ang nagsisilbing OK, SELECT at ANSWER. SO?! Hindi ko magalaw ang messages ko at lalo na ang phone ko mismo. TANGNA. Tingin lang ng oras nagagawa ko edi sana bumili na lang ako ng relo sa kanto. Kailangan ko nang bumili ng bagong phone. KAILANGAN KAILANGAN. Baka pag pinagawa ko pa Samsung ko, mas mahal pa kaya bibili na lang ako ng phone. Ok na sakin yung tig-900 dyan. BASTA MAKATEXT, kailangan talaga lalo na’t Recruitment na ng AA.
Pangatlo… ito na naman tayo sa CJ Corona trial. Kinulit ko pa tatay ko na i-update ako sa lahat ng nangyayari sa trial nung 29. Nagtetext naman siya every hour. Aaminin kong nalungkot ako nung GUILTY itong si Corona. Hindi dahil sa kampi ako sa kanya at dahil Tomasino din siya… pero hindi kasi ganun kaganda ang imbestigasyon na nangyari. Matagal nga at inabot ng 40+ days pero ano naman ngayon? May kaso nga sa korte na umaabot ng hanggang sampung taon dahil sa hindi sapat na ebidensya..
Tulad ng mga sinabi ko sa Twitter, ramdam kong may conspiracy ditong nagaganap. Halatang may pinoprotektahan ang mga tao sa hukuman. Malamang may kasalanan din itong si Corona at hindi maiiwasan ang pagiging corrupt ng mga tao sa politika… pero ramdam kong hindi lang kay Corona ang mga dollar accounts. Masyadong amateur at ang bobo lang talaga ng pagtatago. Kung ikaw ba ay kukuha ng milyones sa kaban ng bayan, ilalagay mo ba ito sa pangalan mo? Mag-iiwan ka ba ng bakas? Sinong bobong mangungurakot ang gagawa non? TANGAHAN LANG? Edi sana wala nang corrupt dito ano. Siguro maraming tao ang sangkot dito at diniin na lang kay Corona lahat.
KUNG SIGURO.. 100% transparent ang paghawak at pagpresenta sa mga ebidensya, maraming lalabas na pangalan. Hindi lang si Corona, baka kasama na rin ang mga taong gumagawa ng batas, nagpapalaganap ng batas at nagbibigay kahulugan sa batas.
NASTRESS TALAGA AKO. Sabihin niyo OA, pero kasi may pakialam ako sa nangyayari sa bansa natin. Mas ok nang alam ko ang mga dahilan bakit tuluyang lumubog ang bayan kaysa naman sa panuorin ko lang tong lumubog. TANGAHAN NA NAMAN?!
Nung kinagabihan nung 29, pinanuod ko sa Youtube yung mga videos nung trial. Pinanuod ko ang mga senador na nag-acquit kay Corona. Hindi ko pinanuod lahat yung mga senador na nagsasabing guilty si Corona dahil baka mainis ako. Isa sa mga napanuod ko ay kay Escudero, Sotto at Lapid. Pinakinggan ko kay Escudero dahil alam kong magaling siyang magsalita. Pinanuod ko si Sotto at si Lapid dahil interesting sila… mas binigyan pansin ko itong si Lapid na sinasabi nilang walang ginawa sa senado.
Hindi naman nila kailangan pagsabihan ng ganon si Lapid, masyado naman nilang dinidiin.. alam naman nating lahat na ganon na. CHOS! HAHAHAHA! Joke lang. Takte, baka may bumaril na sakin sa labas ng bahay namin… yung tipong nakasakay pa sa kabayo o biglang lumusot sa ilalim ng PNR. HAHAHAHA! CHOS.
Eto. Magrarant ako. Kung fan ka ni Lapid bilang artista.. woks lang pero kung bilang isang senador, alis ka na dahil sigurado akong mag-aaway tayo. Hahaha.
Natatanga ako sa mga sinabi niya… Parang ano, nasali lang sa senado. Nakakainis kasi may isa o dalawa pa talagang deserving na kumandidato para sa senado na hindi nakapaglingkod dahil mas type ng ibang tao ang mga covered gym sa barangay kaysa sa mga pagbabago sa batas ng bansa natin.
Idiniin nitong si Idol na siya ang nagrerepresenta ng mga mahihirap na hindi nakapagtapos ng pag-aaral… na tipong hanggang high school lang ang tinapos… na hindi siya tulad ng ibang taong nakapagtapos ng pag-aaral tungkol sa batas. Hindi naman ako against doon dahil kahit sino ay pwede talagang maging senador basta pasado sa requirement ng constitution… PERO SANA nung pinili at pinagkatiwalaan siya ng taong-bayan, INARAL NIYA NA SANA TALAGA ANG BATAS. Ibang level ang Senado, hindi na pwede maging dahilan ang INNOCENCE dyan. Ka-ignorantehan na lang ang pwede dyan, at alam naman nating lahat ang pagiging ignorante ay sinasadya na. Obvious naman kasing magkaiba ang innocence at ignorance. Kung pagsamahin ang bagong kaalaman at ang kanyang karanasan sa buhay sa paglilingkod niya ngayon? Edi medyo happy si Juan.
“Yung ano.. ano…” Ayan ang mga pinagsasabi niya sa korte. CUTE? May lugar ba ang “ANO”, bilang isang noun at hindi tanong, sa lugar at sitwasyon kung saan nakasalalay ang kinabukasan ng bayan?
TARAY HA.
ANYARE SATIN?!

Bakit tayo pumipili ng mga taong hindi dapat? Bakit parang namili lang tayo ng gulay at isda sa palengke ng alas siyete ng gabi? Paker. Nakaka-frustrate.
AT DAHIL DYAN… inomage na lang. HAHAHA!
Sa bawat alcohol na dadapo sa lalamunan at atay ko, ito’y para sa kaewanan nating lahat.

OK. Ok na ko. Nalabas ko na ang gusto kong sabihin. NALOLOKA LANG TALAGA AKO.
Woks. Goodnight! Marami pang gawain. HAHAHAHA!












































